Nabuo ang isang bagong grupo ng mga senador, na ayon sa limang miyebro nito, hindi maka-administrasyon o oposisyon.
Sinabi ng isang kasapi na si Senador Sonny Angara, nais nilang maging independent pero hangad pa rin nilang makipagtulungan sa gobyerno para maisulong ang kaunlaran sa bansa.
Paliwanag ni Angara, marami silang pagkakapareho ng kanyang mga kamiyembro tulad ng karanasan sa Kamara at mga adbokasiya gaya ng imprastraktura, rural development, job creation, at tax reform.
Bukod kay Angara, kasapi ng nasabing bagong grupo sa senado sina J-V Ejercito, Sherwin Gatchalian, Juan Miguel Zubiri, at Joel Villanueva.
By: Avee Devierte / Cely Bueno