Binabalangkas na ng DOLE o Department of Labor and Employment ang mga bagong guidelines para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa Kuwait.
Ayon kay Labor Undersecretary Jing Paras, pinuno ng cluster committee na bubuo sa bagong panuntunan, ang naturang hakbang ng tanggapan ay tugon sa nilagdaang kasunduan ng Pilipinas at Kuwait magbibigay ng mas mabuting proteksyon sa mga overseas Filipino workers sa banyagang bansa.
Una rito, pinirmahan na ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang kautusan na nagli-lift sa deployment ban ng mga skilled, professional at household service workers o kasambahay sa Kuwait.
Bagamat wala pang tiyak na petsa sa paglalabas at implementasyon ng bagong guidelines, ipinaalala ng DOLE na sa ngayon ay dapat munang dumaan sa pagsasanay ang mga gustong maging OFW sa Kuwait.