Inatasan ng Department of Energy o DOE ang Oil Industry Management Bureau na bumalangkas ng guidelines para sa mga refilling stations ng Liquified Petroleum Gas o LPG.
Ito’y sa harap na rin ng mga naitatalang aksidente sa mga naturang LPG refilling stations na nagreresulta sa pagkasawi ng ilang indibiduwal.
Layon nitong gabayan ang mga opisyal gayundin ang mga tauhan ng mga refilling stations hinggil sa tama, ligtas at episyenteng pagrerefill ng mga tangke ng LPG.
Nakasaad sa naturang guidelines ang tamang paraan ng pagkakarga at pagbababa ng tangke mula sa truck patungong refilling area, tamang pagbusisi sa kalidad ng mga tangke gayundin ang tamang pag-iimbak sa mga ito.
Inaatasan din ang mga LPG refilling stations na magsagawa ng regular na fire drill gayundin ang pagtatalaga ng fire marshal sa kanilang mga istasyon para matiyak na ligtas na maililikas ang mga kasamahan nito sa panahon ng emergency.
—-