Magkakaroon na ng “State of the Art” na limang palapag na gusali ang Department of Agrarian Reform sa Masbate upang mas mapagsilbihan ang mga magsasaka sa naturang lalawigan at mga karatig lugar.
Nagsagawa na ng Groundbreaking ceremony ang DAR at Department of Public Works and Highways para sa bagong gusaling proyekto na popondohan ng DPWH sa ilalim ng General Appropriations Act nito at ng 2023 Infrastructure Program.
Nagkakahalaga ang nasabing proyekto ng P67-M.
Ayon kay DAR Bicol – regional director Rodrigo Realubit, mula pa noong 1988 ginagamit na ng DAR Masbate ang lumang gusali nito sa Acacia Road, Barangay Nursery.
Magiging mas komportable rin anya ang pagta-tatrabaho, ligtas at maayos ang kapaligiran ng mga empleyado ng DAR-Masbate sa itatayong istruktura.
Samantala, inihayag naman ni Provincial Agrarian Reform Program officer Herald Tambal na sa kasalukuyan ay magrerenta muna sila ng apartment habang ginigiba ang lumang gusali ng opisina.