Pormal nang umupo bilang bagong Pangulo ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang dating gobernador ng Bulacan at DWIZ Anchor na si Roberto “Ka Obet” Pagdanganan.
Ito’y sa matapos ang isinagawang eleksyon ng BSP noong Hunyo 22 na ginawa sa punong tanggapan nito sa Ermita, Lungsod ng Maynila.
Pinalitan ni Pagdanganan si Presidential Assistant Usec. Wendel Avisado bilang National President ng may 2.7-Million boy scouts sa buong bansa.
Ayon kay Boy Scouts Sec/Gen. Roger Villa, ilan din sa mga nahalal na opisyal ay sina DepEd Usec. Diosdado San Antonio, Albay Gov. Al Francis Bichara, Victorias City Mayor Francis Palanca, Tagum City Mayor Allan Rellon at Agusan Del Norte Gov. Dale Corvera.
Target ng Boys Scouts of the Philippines na itaas ang bilang ng kanilang mga miyembro sa 4-Million pagsapit ng taong 2025.