Positibo si San Beda coach Yuri Escueta sa kanyang mga nakikitang paglago ng mga young red lion players.
Matatandaang nagsimulang pangunahan ni Escueta ang San Beda practices noong buwan ng Hulyo, bago pa tuluyang maitalaga sa posisyon kapalit ni Former red lion head coach at Multi-titled mentor Boyet Fernandez.
Sa ilalim ni Escueta, sumabak sa ilang mga Preseason Leagues ang San Beda, kabilang na ang Filoil-Ecooil 15th Preseason Cup.
Kasalukuyang inaantay na lamang ng koponan ang resulta ng nalalabing dalawang laro sa elimination round Filoil para madetermina kung pasok sila sa Playoffs o hindi.
Bunsod nito, kahit hindi pa nakababalik sa kanilang dating dominant form ang red lions, optimistiko parin si Escueta para sa koponan dahil sa ganda ng ipinapakita ng mga manlalaro sa kanilang mga practices.