Hinihintay nalang ng Department of Tourism (DOT) ang bagong guidelines o health protocols na ipatutupad ng susunod na administrasyon sa ilalim ng pamumuno ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay DOT Secretary Christina Garcia-Frasco, kabilang sa kanilang inaasahang magpapatuloy ang mask mandate.
Sinabi ni Frasco na sa tulong ng ipinatutupad na health protocols laban sa COVID-19 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Inter-Agency Task Force (IATF), mas mapapataas pa ang turismo at ekonomiya ng bansa.