Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Dr. Francisco Duque III bilang kalihim ng Department of Health o DOH kapalit ni Paulyn Ubial na hindi nakalusot sa Commission on Appointments o CA.
Umaasa ang Malakanyang na muling pamumunuan ng maayos ni Duque ang Department of Health o DOH.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hindi na bago kay Duque ang naturang posisyon kaya’t tiwala ang Pangulo na mas magiging produktibo ngayon ang kagawaran upang matugunan ang mga pangangailangang medikal ng bawat Pilipino.
Si Duque ay dating kalihim ng DOH sa panahon ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga 2nd District Representative Gloria Arroyo, simula 2005 hanggang 2010.
Sa ilaim ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino ay nagsilbi naman si Duque bilang Civil Service Commission (CSC) Chairman hanggang noong 2015.
Bago ang kanyang re-appointment sa kagawaran, si Duque ay itinalaga ng Pangulo bilang board member sa Government Service Insurance System.