Plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumili ng mga brand new na helicopter para sa militar kasunod ng malagim na chopper crash na ikinasawi ng pitong indibidwal sa Bukidnon.
Sa kanyang pagbisita sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters sa Sulu, sinabi ni Duterte na panahon na para palitan ang Huey choppers na matagal nang ginagamit ng mga tropa ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, pitong bagong helicopter ang balak nitong bilhin upang hindi na maulit ang mga aksidente na dulot ng lumang sasakyang panghimpapawid.
Matatandaang sinabi rin ni Sen. Juan Miguel Zubiri na naiwasan sana ang ilang aksidente kung naging seryoso ang modernisasyon sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP).