Itinalaga kaninang umaga bilang bagong hepe ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si PBGEN. Romeo Caramat Jr.
Matatandaan na nitong linggo lamang, nang pumanaw ang kanyang asawa na si Calasiao Mayor Mamilyn Agustin-Caramat.
Ang asawa ng bagong hepe ang kauna-unahang naging babaeng mayor ng Calasiao.
Samantala, nakiramay ang mga awtoridad sa pamilya ni Caramat at ibinaba rin ng bahagya o “half-mast” ang bandila bilang pag bigay-pugay sa kanilang mayora.