Iniluklok si Abang Lingkod Representative Joseph Paduano bilang bagong minority leader ng kamara kapalit ni Manila 6th District Congressman Benny Abante na umanib sa mayorya.
Ito’y makaraang iboto si Paduano ng lahat ng miyembro ng minorya.
Sa pahayag na inilabas ng House Minority Bloc, sinabi nito na sa pamumuno ni Paduano, makasisiguro ang bawat Pilino na mananatili ang pagkakaroon ng ‘checks and balances’ sa kamara.
Bukod pa rito, tiniyak din ng Minority Bloc, na nakahanda silang sumuporta sa mga panukalang makatao at sinigurong hindi magiging balakid sa paghahatid ng serbisyo sa taong bayan.
Patuloy din anilang isusulong ang mga panukalang tiyak na makakatulong sa bawat Pilipino, lalo’t nasa gitna ang bansa sa nagpapatuloy na epekto ng COVID-19 pandemic.