Maglalabas ng bagong imbentaryo kada lugar ang Bureau of Customs (BOC) para sa mga inabandonang balikbayan boxes.
Kasunod ito ng nabuong tensyon sa isang warehouse sa Bulacan noong weekend nang hindi maging malinaw ang direksyon sa pagpapalabas ng mahigit 4,600 balikbayan boxes pagkatapos ng buwang pagkaantala.
Ayon kay Arnaldo Dela Torre Junior, tagapagsalita ng BOC, humihingi sila ng paumanhin sa publiko.
Umaasa naman ang BOC na magiging tulong ang bagong inventory para malaman kung ilan ang aktwal na bilang ng mga inilalabas na balikbayan boxes.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng BOC sa Department of Migrant Workers para panagutin ang mga may kinalaman sa tensyon.