May hawak umanong impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte na tiyak na magpapabago sa istorya ng pagpatay ng mga pulis sa binatilyong si Kian Loyd Delos Santos.
Ito ang ibinunyag ng Pangulo sa kaniyang talumpati sa Manila Hotel nuong Huwebes ngunit tumanggi muna siya na magbigay ng detalye hinggil dito.
Ayon sa Pangulo, duda na siya nuon pa man na may ibang kuwento sa likod ng pagkakapatay kay Kian dahil may napansin aniya siyang kakaiba na ginamit laban sa kaniya araw-araw.
Ngunit ipinahiwatig ng Pangulo na kung babalikan aniya ang mga news reports sa TV sa kasagsagan ng isyu, mapapansin aniyang nagkikiskis ang ngipin ng ama ni Kian na isa sa mga senyales na gumagamit umano ito ng droga.
Magugunitang isa ang kaso ni Kian sa naging dahilan ng pagbaba ng kaniyang ratings sa mga survey nitong isang linggo partikular na ang inilabas ng SWS o Social Weather Stations.