Kumpiyansa si Senador Tito Sotto III na may mga makakalap silang bagong impormasyon o ebidensya sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa Mamasapano massacre.
Ayon kay Sotto, nagkaroon ng pagkakataon si Senador Juan Ponce Enrile na makausap nang husto ang ilang miyembro ng PNP-Special Action Force matapos makasama sa PNP General Hospital.
Giit ni Sotto, hindi pag-aaksaya ng panahon ang muling pag-iimbestiga ng senado na kaso ng pagkasawi ng 44 na miyembro ng PNP-SAF.
Sa mismong unang isang taon ng Mamasapano massacre o sa Enero 25 ay itinakda ni Senate Committee on Public Order Chairperson Senator Grace Poe ang reinvestigation sa insidente bunsod na rin ng naging kahilingan ni Enrile.
By Jelbert Perdez | Cely Bueno (Patrol 19)