Winelcome ng Globe ang pagpapalabas ng mga bagong guidelines ng National Telecommunications Commission para mapalakas ang ID verification sa sim registration process.
Binigyang-diin ng Globe ang epektibong implementasyon ng sim registration act lalo pa’t priority nila ang customer protection at pagsasanib puwersa ng industry stakeholders, regulars at law enforcement agencies.
Sa idinaos na senate hearing, naipabatid ang isang concern kaugnay sa pagtanggap ng litrato ng isang unggoy para sa ID ng isang tao dahilan kaya’t na kuwestyon ang kalidad ng verification sa sim registration process.
Bagama’t nakapag comply ang Globe sa mga requirements ng sim registration act na nag resulta sa registration ng 54 million sims marami pang mga dapat isulong para malabanan ang online fraud at scam.
Kabilang dito, ayon sa mobile leader ang pagkakaruon ng proper identification system para sa lahat tulad ng national ID, paghahanap ng technical solutions na tutugon sa kakaiba at complex requirements ng sim registration law at epektibong pagkakasa ng law enforcement at intelligence para malabanan ang tech based criminal activities.
Ayon kay Atty. Froilan Castelo, General Counsel ng Globe group, mahigpit ang patuloy nilang pakikipag ugnayan sa gobyerno para mapalakas ang sim registration platform ng Globe at tiwala silang makakakuha ng access sa data kung saan maaari nilang ma-verify ang mga isinumiteng dokumento kabilang ang photo ID’s at makakatulong ang post validation guidelines ng NTC para mapanagot ang mga sangkot sa fake accounts.
Tuluy-tuloy ang panawagan ng Globe sa sim users na isumite lamang ang verified information at id’s sa pagpaparehistro ng sim dahil may katapat na parusa ang lalabag sa sim registration act ang pagkakakulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at P300,000 multa.