Nadiskubre sa bansang Japan ang isang bagong isla.
Ito ay matapos ang pagputok ng isang bulkan sa ilalim ng dagat nitong nakaraang linggo.
C-shaped ang nasabing isla at may tinatayang isang kilometro.
Nadiskubre ito 50km Timog ng Iwoto sa Ogasawara Island sa dagat Pasipiko matapos nga ang naging pagsabog ng isang bulkan.
Grupo ng coast guard ang nakita nito habang nagsasagawa ng inspeksyon sa ere nitong linggo.—sa panulat ni Rex Espiritu