Pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng bagong istilo sa pangangampanya sa darating na 2022 elections.
Ito’y dahil pa rin sa patuloy na pandemya na COVID-19 sa buong mundo.
Sinabi ni Comelec Commissioner Aimee Ampoloquio, face-to-face na pangangampanya pa rin ang umiiral sa campaign guidelines kahit na may COVID-19.
Ayon pa kay Ampoloquio, kung hindi kakayanin ng face-to-face campaign ay maaaring magsagawa sila ng panibagong batas sa pangangampanya para sa eleksyon sa susunod na taon.
Kasama aniya sa pag-aaralan nila ang mga bansang nagsagawa ng eleksyon sa gitna ng pandemya.