Umaasa ang bagong Japanese Emperor na si Naruhito na matutuloy pa rin ang nakatakda nang summer olympics sa kanilang bansa ngayong taon.
Ito’y sa harap na rin ng pangamba ng Emperador hinggil sa patuloy na pagkalat ng sakit sanhi ng 2019 corona virus disease (COVID-19).
Inihayag ito ng bagong Emperador kasabay ng kaniyang pagdiriwang ng ika-60 kaarawan na siya namang kauna-unahan mula nang maupo sa trono noong buwan ng Mayo.
Kasunod nito, nagpaabot ng kaniyang pakikisimpatiya ang bagong Emperador sa kaniyang mga kababayang apektado ng nasabing virus at tiniyak na gagawin nila ang lahat upang masagip ang mga ito sa peligrong dulot ng mga sakit na dulot nito.