Nagtakda ng bagong jurisprudence ang Korte Suprema o ang desisyon na pagbabatayan sa hinaharap kung paano dapat hawakan ang mga kasong may kinalaman sa intra-corporate dispute.
Ito’y makaraang pagpasyahan ng First Division ng high tribunal ang kaso ng Alliance International Incorporated na nahaharap sa management conflict o girian sa pagitan ng malalaking stake holder nito.
Ipinag-utos ng sc ang pag-usad ng kaso na inihain ng alliance international laban sa Harvest All ngunit kailangan munang tukuyin kung sapat na ang ibiniyad na filing fee batay sa bagong schedule ng legal fees para sa commercial cases.
Nag-ugat ang kaso sa board resolution ng Alliance International na nagtatakda nuong Mayo 2015 sa pagpapaliban ng annual stockholders meeting nuong Hunyo 2015 para sa stock rights offering.
By: Jaymark Dagala / Bert Mozo