Magagamit na ang 100 bagong K9 handlers at K9 dogs ng PDEA matapos dumaan sa K9 handlers basic course ng PDEA.
Ang grupo ng mga nasabing K9 dogs ay tinaguriang ‘Nagtalad’ na nangangahulugang ‘Nagsanib na Tao at Aso Laban sa Droga’.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang mga bagong K9 handlers at aso ay sumailalim sa anim na buwang mahigpitang pagsasanay bilang paghahanda sa mga anti-illegal drug operations.
Makatutulong aniya ang mga nasabing K9 dogs para palakasin ang pagbabantay laban sa ipinagbabawal na droga sa mga paliparan, pantalan, sweeping search sa mga bagahe, cargo, event monitoring at greyhound operations sa mga kulungan at custodial facilities.
Bahagi ng pagsasanay ang pagiging pamilyar sa illegal drugs, kaalan ng mga kilos at ugali ng K9, dogs drive development at pagkilala ng mga amoy ng iba’t ibang droga.
Ipapamahagi naman ang K9 dogs at handler sa iba’t ibang regional offices ng PDEA sa buong bansa.