Mismong si PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang nanguna sa presentasyon ng 969 milyong pisong halaga ng bagong kagamitan ng pambansang pulisya sa Camp Crame.
Pahayag ni Azurin, ang mga bagong gamit ay makapagpapalakas sa kampanya ng PNP kontra sa ilegal na droga, kriminalidad, insurhensya at terorismo.
Kabilang dito ang 10 4×2 patrol jeep, 36 na 4×4 personnel carrier, 8,358 na 9mm striker fired pistol, 8,500 na 5.56mm basic assault rifle, 34 na 7.62mm light machine gun, 4,900 na 5.56mm basic assault rifle, 884 na tablet computer at 2,005 na enhanced combat helmet.
Nabatid na ang mga bagong sasakyan at tablet computers ay ipapamahagi sa iba’t ibang municipal police stations, habang ang mga baril ay gagamitin ng mga PNP recruits, PNPA cadets, PNP Maritime Group at Regional Mobile forces at battalion.