Mas pinaigting ng bagong dating na 155 self-propelled o ATMOS 2000 Howitzers Cannon ang pwersa ng militar sa Central Mindanao.
Nabili naman ito ng bansa mula sa Israel bilang bahagi ng Modernization Program ng Armed Forces of the Philippines.
Nito lamang nakaraan ay isinalang ito sa live fire exercises sa Barangay Talisawa, Datu Abdullah Sangki, Maguindanao.
Tinataya namang aabot sa 41 kilometers ang maximum effect range nito at 200 meters naman para sa killing radius.
Ayon kay LT. Col. Chamberlain Esmino, Battalion Commander ng 10th Field Artillery Battalion na bahagi ng pagtatapos ng 10FAB Batallion Organizational Training ang naturang aktibidad.
Tiniyak naman ng Kampilan Troopers na naabisuhan ang mga lugar na pinagdausan ng live fire exercises ng Army upang masiguro ang kaligtasan ng mga nakatira roon.
Samantala, layunin naman ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na sugpuin ng terorismo at insurhensiya sa Central Mindanao. —sa panulat ni Hannah Oledan