Hindi na lamang sa National Capital Region (NCR) nanggagaling ang mataas na mga bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon ito kay Dr. Michael Tee, fellow ng OCTA Research group, matapos sumirit sa mahigit 7,000 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na tatlong araw.
Sinabi sa DWIZ ni Tee na maging ang mga kaso ng COVID-19 sa Central Luzon, Western Visayas, BARMM at Region 4B (MIMAROPA) ay tumataas na rin kaya’t kailangan pa ang ibayong pag-iingat.
Nakikita natin tumataas na sa Central Luzon, Western Visayas, pati Mimaropa, BARMM, nakikita natin tumataas na rin ang dami ng kaso. Dapat talaga nating paigtingin pa lalo ngayon ang pag-iingat, hindi nalang ito sa National Capital Region na nagkaroon tayo ng focus two months ago. Ngayon kailangan nating gisingin din ang ating mga kababayan dito sa Central Luzon, sa CALABARZON, Cagayan Valley, Western Visayas, Davao, atyaka Central Visayas, dahil parang sa kanila na lumipat ‘yung dami ng kaso na hindi natin nakikita last time,” ani Tee. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas