Nakapagtala ang Department of Health (DOH) kahapon ng 134 na bagong kaso ng COVID-19.
Sa kabuuan ay mayroon nang 3,683,865 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabila nito ay 16,771 na aktibong na lamang ang aktibong kaso.
Habang aabot na sa 3,607,038 na ang kabuuan ng recoveries at umakyat naman sa 60,056 ang mga nasawi.
Nabatid na ito ang pinakamababang daily tally sa halos dalawang taon ng pandemiya, o mula Mayo 8 noong 2020.