Posibleng pumalo pa ng 10,000 hanggang 11,000 ang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa mga susunod na araw.
Ito ang pagtaya ng University of the Philippines (UP) OCTA Research Group kasabay ng muling pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa mega Manila simula Lunes, Marso 29.
Ayon up OCTA research fellow Prof. Guido David, posible kasing magpatuloy pa rin ang hawaan ng sakit bago pa man ipatupad ang ECQ sa NCR plus bubble.
Dahil napupuno na ang ilang mga ospital sa dami ng mga covid patient na dinadala ruon, nanawgan ang up OCTA na dagdagan pa ang kanilang covid beds upang matugunan ang laki ng bilang ng mga naiimpeksyon.