Patuloy ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa bansa na ngayo’y nasa halos 2.7-M na kabilang na ang nasa 7,835 na mga bagong kaso.
Dahil dito, sumirit na sa 84,850 ang active cases kung saan 77. 2% mild, 10.6% ang asymptomatic, 3.6% ang severe at 1.5% ang nasa critical condition.
Pumapalo naman sa 40,221 ang death toll matapos madagdag ang 151 na mga bagong nasawi sa COVID-19.
Samantala, nasa 5,317 ang mga bagong gumaling sa COVID-19 kaya’t umakyat na sa halos 2.6-M ang total recovery. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)