Aabot sa 9,475 ang nadagdag sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay ito sa datos mula sa Department Of Health (DOH) kung saan, pumalo na sa 721,892 ang kabuuang kaso nito.
Mula sa nasabing bilang, 150,568 ang aktibong kaso sa bansa matapos namang madagdagan ng 22,000 ang bagong gumaling sa sakit.
Dahilan kaya’t umakyat na sa 603,154 ang total recoveries ng COVID-19 sa bansa.
May 11 naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 kaya’t umakyat na sa 13,170 ang total death toll.
JUST IN: Kaso ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan pa ng 9,475 ngayong Linggo, Marso 28.
Pumalo na sa kabuuang 721,892 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Mayroon namang 105,568 naitalang active cases. | https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/pHgFjIXWHL
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) March 28, 2021