Nakapagtala ang Pilipinas ng mahigit 8K bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH), na sa 8,702 ang bagong kaso kung saan na sa 3,585,461 na ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.
153,335 naman ang aktibong kaso ng virus sa Pilipinas.
Habang na sa 3,377,958 na ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 matapos na madagdagan ng 15,290.
54,168 naman ang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos na makapagtala ng 71 na panibagong mga nasawi. —sa panulat ni Airiam Sancho