Sumirit sa 13,215 ang bilang ng bagong COVID-19 cases sa Malaysia.
Ito na ang ikatlong sunod na araw na nakapagtala ng record-breaking na kaso ng COVID-19 sa naturang bansa.
Kabilang sa mga nakapagtala ng pinaka-mataas na bilang ang Klang Valley State, 6,120; Selangor at Kuala Lumpur, 1,499 at Negeri Sembilan State, 1,603 cases habang tinaya sa 110 ang karagdagang fatalities dahilan upang sumirit sa 6,613 ang namatay.
Ayon kay Health Director-General Noor Hisham Abdullah, ang Delta variant ang isa sa mga rason ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 na maaaring maipasa sa mga close contact sa loob lamang ng limang segundo.
Maaari rin anya itong kumalat sa pamamagitan ng “airborne” transmission.
Hanggang kahapon ay nasa of 880,782 na ang COVID-19 cases sa Malaysia kabilang ang 108,369 na active cases. —sa panulat ni Drew Nacino