Posibleng tumaas ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa susunod na buwan.
Sa pagtaya ni OCTA Research Fellow Dr. Guido david, aabot sa 300 hanggang 400 ang inaasahan na maitatalang COVID-19 cases dahil sa mga inaasahang pagtitipon o party.
Sa ngayon, mahigit 200 ang naiuulat na kaso kada araw na bahagyang tumaas kumpara noong nakaraang buwan.
Binigyang-diin naman ni David na maaga pa para matukoy ang dahilan ng nasabing pagtaas pero posible aniyang ito na ang binabantayan nilang BQ subvariant na kumakalat sa America, Europa, China, at Japan.