Patuloy na bumababa ang naitatalang mga bagong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) Officer in Charge Maria Rosario Vergeire kung saan nananatili sa moderate risk case classification ang naturang rehiyon.
Aniya, naobserbahan din nasa downward trend na ang COVID cases sa buong bansa dahil na rin sa disiplina ng mga tao sa pagsunod ng minimum public health standards.
Posible naman na makakapagtala ng anim hanggang siyam na libong COVID-19 cases kada araw sa susunod na buwan kung hindi maipagpapatuloy ang pagsunod sa mga ipinatutupad na health protocols sa bansa.
Samantala, umaasa naman si Vergeire na hindi na ito aabot pa sa naturang bilang at magpatuloy ang pagbaba ng mga nahahawaan ng sakit.