Pumalo sa mahigit na 6K ang naitalang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinapuan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa inalabas na datos ng DOH o Department of Health, naitala ang 6, 043 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang nito sa 1, 378, 260.
Sa nasabing bilang nasa 51,410 o 4.7 porsyento ang aktibong kaso.
4,486 naman ang naidagdag sa bilang ng mga naka-recover sa virus, kaya’t 1,302,814 na ang bilang nito.
24,036 naman na ang bilang ng mga nasawi sa covid-19 matapos itong madagdagan ng 108.