Nakapagtala ng 4,289 pang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health, sumampa na sa 1,450,110 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa bilang ng COVID-19 cases, 47,519 naman ang active cases o katumbas ng 3.3%.
Umakyat naman sa bilang na 1,377,132 ang gumaling o katumbas ng 95.0% makaraang makapagtala ng dagdag na 6,399 recoveries.
Nasa 25,459 na ang kabuuang death toll sa bansa o 1.76% matapos na makapagtala ng dagdag na 164 na nasawi dahil sa COVID-19. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico