Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 630 na mga kaso ng mas nakahahawang Delta variant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, mula ito sa 666 samples na nakolekta noong Marso, Setyembre, Oktubre, at Nobyembre.
Dahil dito, umakyat na sa 6,612 kaso ng Delta COVID cases ang naitatala sa bansa.
Sa mga sample, isa lang ang nagpositibo sa Alpha variant.
Sa kabuuan, mayroon nang 6,612 na Delta variant cases, 3,577 Beta variant cases, at 3,129 Alpha variant cases sa bansa. —sa panulat ni Hya Ludivico