Nasa 319 ang bagong kaso ng Delta variant na natukoy sa pinaka huling genome sequencing na ginawa ng Philippine Genome Center nitong September 18.
Ito ang kinumpirma ng DOH dahilan para maging most common variant na sa bansa ang Delta.
Bukod dito, naitala rin ang labing tatlong bagong kaso ng Alpha variant at siyam na bagong kaso ng Beta variant.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa Region 2 may pinakamaraming naitalang kaso ng Delta variant na umabot sa 40.
Natukoy din aniya ang P.3 variant na may limang bagong kaso at lumalabas na lahat ng rehiyon sa bansa ay mayroon na nito.