Hindi dapat ikabahala ng mga Pilipino ang pagkaka-detect ng bagong sublineage ng Omicron na BQ.1 sa bansa.
Sinabi ito ni Dr. Tony Leachon, isang health reform advocate kasunod ng 14 na kaso ng BQ.1 na nakita sa Pilipinas.
Ayon kay Leachon, gaya ng nangyari sa US ay hindi ma-o-overwhelm ng Omicron variant ang COVID-19 cases sa bansa, dahil sa dami ng nagpabakuna.
Sakaling tumaas ang kaso, hindi aniya ito magiging malala at magiging mild lamang ang epekto sa tao.
Sa huling tala ng OCTA research team, pumalo na sa 11.9% na ang positivity rate sa buong bansa.
Pero hindi ito nakikitang balakid ng eksperto lalo’t mababa aniya ang fatality rate sa datos.
Sa ngayon, panawagan ni Leachon sa publiko ngayong Pasko, lalo na ‘yung magsasagawa ng pagtitipon gaya ng Christmas party at gathering, na manatili pa ring magsuot ng face mask upang makaiwas sa hawaan.