Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang naitalang bagong kaso ng polio.
Sa kabila ito ng pagiging polio free na ng Pilipinas sa nakalipas na 19 na taon.
Ayon sa DOH isang tatlong taong gulang na batang babae mula sa Lanao del Sur ang tinamaan ng nasabing virus samantalang kinakitaan rin ng polio virus ang water sample na nakuha sa ilang kanal sa Metro Manila at Davao City.
Ipinaliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na wala pang gamot na nadidiskubre laban sa polio at tanging ang bakuna pa rin ang pinakamabisang paraan para maiwasan ang nasabing sakit.
Dahil dito pinag-aaralan na rin ng DOH ang paglulunsad ng isang malawakang vaccination program laban sa polio.