Epektibo na ngayong araw ang bagong katawagan sa mga ranggo ng mga opisyal at miyembro ng PNP o Philippine National Police.
Alinsunod ito sa nilagdaang Republic Act 11200 ni pangulong rodrigo duterte na nagbabalik ng terminong militar sa mga ranggo ng pulisya.
Sa ilalim ng naturang batas, mula sa pagiging Police Director General, tatawagin na ang PNP Chief sa ranggong Police General, ang deputy director general naman ay tatawagin nang police lieutenant general habang ang Police Director at papalitan na ng Police Major General.
Ang Chief Superintendent ay tatawagin na ngayong Police Brigadier General habang ang senior superintendent ay tatawagin nang police colonel habang ang superintendent naman ay tatawagin nang police lieutenant colonel.
Police Major na ang tawag sa dating Chief Inspector, Major naman sa Chief Inspector; Captain sa Senior Inspector habang ang inspector naman sa Police Lieutenant.
Sa mga Non-Commissioned Officers at Enlisted Personnel naman, tatawagin Nang Police Executive Master Sergeant ang dating Senior Police Officer o SPO4; Chief Master Sergeant ang para sa SPO3, Senior Master Sergeant ang SPO2 AT Master Sergeant naman ang sa SPO1.
Police Staff Sergeant para sa Police Officer 3, Police Corporal para sa Police Officer 2 at Patrolman o Patrolwoman naman ang para sa Police Officer 1.