Tinuligsa ng grupong Kadamay ang bagong kurso na iniaalok ng Technical Education and Skills Development (TESDA) na garbage collection at sanitary landfill operations.
Bahagi ng programa ang pagsasanay sa pamimili ng basura ang tamang pagsasalansang nito at ang pag-iwas sa mga peligro ng kalikasan at sa lugar na pinag-tatrabahuhan.
Iginiit ni Kadamay Secretary General Carlito Badion na sa halip na mabigyan ng dignidad ang mga mangangalakal lalo lamang nitong iniinsulto ang mga basurero na ang nais lamang ay ang magkaroon ng disenteng pamumuhay.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 5)