Kaliwa’t kanang kilos protesta ang inilarga ng ilang grupo kasabay ng panunumpa ng bagong lider ng Hong Kong.
Pinangunahan ni Chinese President Xi Jin Ping ang panunumpa na pwesto ni Carrie Lam ang kauna- unahang babaeng Chief Executive ng naturang bansa.
Sa labas ng ceremonial venue sa Wanchao District ay nagkainitan ang mga pulis at mga miyembro ng League of Social Democrats at Demosisto.
Samantala, sa kanyang talumpati ay nanawagan ang bagong lider ng pagkakaisa para malunasan ang pagkakahiwa- hiwalay ng naturang syudad.
By Rianne Briones