Binigyan lamang ng isang buwan ni Philippine National Police o PNP Chief Director General Oscar Albayalde ang mga bagong lipat na opisyal ng pambansang pulis para patunayan ang kanilang husay sa puwestong ibinigay sa kanila.
Ipinaliwanag ni Albayalde na lahat ng mga may bagong appointments ay “under probation” at nakadepende sa kanilang performance sa unang buwan ng kanilang panunungkulan kung mananatili ang mga ito sa puwesto.
Sinabi ng PNP Chief na hindi na nila mahihintay ang unang isandaang (100) araw sa puwesto ng mga naturang opisyal lalo’t kulang na aniya sa panahon kaya’t matapos ang isang buwan ay magkakaroon muli ng evaluation.
Samantala, ipinabatid ni Albayalde na susunod niyang babalasahin ang mga provincial at city directors na kasalukuyan nang subject ng deliberasyon ng oversight committee ng PNP.
—-