Ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Low Pressure Area (LPA) na nasa silangan ng Mindanao ngayong araw.
Sa panayam ng DWIZ kay Weather Forecaster Obet Badrina, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 1,165 kilometers sa silangan ng Mindanao.
Sinabi Badrina na ito’y bahagi ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ at nagdudulot ng pag-ulan sa mga bahagi ng Mindanao at Visayas.
Kumikilos ito pa-kanluran kung saan maaari itong maging bagyo sa susunod na 24 hanggang 48 oras.
Kung sakaling maging isang ganap na bagyo, ito ay tatawaging Ambo at magiging unang bagyo ngayong taon.
By Jelbert Perdez