Asahan na ang pagdating ng bagong Low Pressure Area (LPA) sa Biyernes.
Ipinahayag ito ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kasunod nang namataang cloud cluster sa silangan ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na malaking tiyansa ng naturang kaulapan na mabuo bilang LPA na posibleng maging bagyo rin dahil pinalalakas ito ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Samantala, ipinabatid ng PAGASA na ang mga pag-ulan naman na naranasan kaninang madaling araw sa Quezon City ay normal na kondisyon na ngayong pumasok na ang panahon ng tag-ulan.
Sa mga susunod na araw ay ang western section ng bansa naman ang uulanin lalo na sa umaga at hapon.
By Judith Larino