Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Associate Justice Ricardo Rosario bilang bagong mahistrado ng Korte Suprema.
Ito’y ayon mismo kay Associate Justice Rosario bagama’t wala pang pormal na anunsyo mula sa Palasyo.
Mababatid na magsisilbing mahistrado si Rosario ng Korte Suprema hanggang 2028.