Itinalaga ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu si retired Philippine Army P/BGen. Reuel Sorilla bilang bagong Manila Bay Task Force (MBTF) Ground Commander sa Dolomite beach.
Kaugnay ito sa maigting na pagpapatupad ng crowd management measures upang masiguro na masusunod ang health protocols sa nasabing lugar.
Ayon kay Sorilla, ipinag-utos na niya ang pagtatalaga ng Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) personnel bilang dagdag na tauhan para sa mas mahigpit na seguridad at pagmomonitor sa Dolomite beach.
Ipinaalala naman ng DENR sa publiko na ipinagbabawal pa rin ang mga menor de edad- onse anyos pababa sa nasabing lugar.—sa panulat ni Airiam Sancho