Inilatag na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang inamyendahang metrics o batayan para sa pagtatakda ng COVID-19 alert level system sa bansa.
Ito’y makaraan talakayin kahapon ang mga rekomendasyon ng technical working group at itinakda ng IATF ang cut-off para sa average daily attack rate (ADAR) na hindi bababa sa anim para sa low risk;
Anim hanggang 18 naman para sa moderate risk habang 18 pataas para sa high risk.
Ayon kay Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles, magpapatuloy ang paggamit ng cross-tabulation sa klasipikasyon ng mga kaso at COVID-19 bed utilization.
Maaari lamang anyang ibaba sa alert level 1 ang malalaking lungsod at independent component city kapag naabot ang pamantayang itinakda ng IATF.
Magiging epektibo naman ang bagong metric simula Marso a–1. —sa panulat ni Mara Valle