Kinoronahan si Hillarie Danielle Parungao bilang Miss World Philippines 2015.
Si Parungao ang hahalili kay Valerie Weigman na siyang kinatawan ng Pilipinas sa prestihiyosong Miss World pagent na gagawin sa Sanya, China sa Disyembre.
Bukod sa korona, nasungkit din ni Parungao ang ilang special awards tulad ng Best in Long Gown, Best in Fashion Runway, Sports Challenge, Miss Zen Institute, Miss Technomarine, Miss Solaire, Miss Figlia at Miss Phoenix.
Isa sa mga umupo bilang hurado sa nasabing patimpalak si Miss World 2013 Megan Young na sinamahan ni dating Ilocos Sur Gov. Luis Chavit Singson, dating Senador Miguel Zubiri, Argentinian Superstar Fernando Carillo at iba pa.
By Jaymark Dagala