Ibinunyag ni PACC Commissioner Greco Belgica ang bagong modus operandi ng mga smuggler sa bansa na dumadaan sa NAIA.
Ayon kay Belgica sundo system ang ginagawa ng mga smuggler kung saan gumagamit sila ng assistant secretaries, prosecutors, mga opisyal ng customs at iba pang sangay ng gobyerno.
Sinusundo aniya ng mga opisyal ng gobyerno ang mga kontrabando para makalusot sa customs.
Sinabi ni Belgica na hindi lamang ginto kundi maging iligal na droga ang ipinapasok ng mga smuggler.