Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 481 bagong nahawa sa COVID-19 kahapon,
Batay sa pinakahuling datos ng kagawaran, ikaapat na araw nang hindi lumalagpas sa 500 ang arawang kaso sa bansa.
Sa kabila nito, lumobo naman ang active cases na umaabot na sa 11,975, bahagyang mataas kumpara sa 11,856 noong Martes.
Nakapag-record din ang DOH ng 11 nasawi sa COVID-19 para sa kabuuang 65,509 death toll; at 247 gumaling para naman sa 3,991,318 total recoveries.
Ang nationwide COVID-19 tally na sa bansa ay 4,068,802.