Pumalo na sa 12, 674 ang naitalang panibagong kaso ng mga indibidwal na dinapuan ng COVID-19 sa bansa.
Sa inalabas na datos ng Department Of Health (DOH), naitala ang 12, 674 na mga bagong kaso ng virus, dahilan para umakyat sa kabuuang bilang nito na 853,209.
Nakapagtala naman ng 593 na mga bagong gumaling sa virus habang 225 naman ang namatay.
Habang nasa 648,229 na ang total recoveries habang nasa 14, 744 na ang kabuuan ng mga namatay.—sa panulat ni Rashid Locsin